23 January 2017

Pitong taon



Pitong taon bago ang ngayon
Naghintay ako at di naglaon
Nagkakilala kung saan nag-umpisa
Ang pagmamahalang walang nag-akala

Pitong taon mula kitang makilala
Nag-iba ang mundo at napuno ng alaala
Mga bagong karanasan at kaligayahan
Ang pumuno sa puso at isipan

Pitong taon hanggang kasalukuyan
Tayo ay kinasal at nagkatuluyan
Lumipas ang panahon pero hindi ang pagsuyo
Na kailanman ay hindi maglalaho

Pitong taon patungo sa hinaharap
Tayo ay mananatili sa may alapaap
Ngayon ay magkakaroon na ng supling
Na sa ating pagtanda ay gagabay at babaling

No comments:

Post a Comment